GAMIT NI MISTER NA SUMAKABILANG BAHAY NA! BINENTA SA LIVE SELLING NI MISIS

GAMIT NI MISTER NA SUMAKABILANG BAHAY NA! BINENTA SA LIVE SELLING NI MISIS


Kinagigiliwan at kinaaliwan ngayon ang isang live selling video ng isang misis na iniwan ng kanyang asawa. Sa halip na ibalik o itago ang mga gamit n

6/58 ULTRA LOTTO RESULT TODAY – APRIL 22, 2022
6/58 ULTRA LOTTO RESULT TODAY – APRIL 05, 2022
SWERTRES LOTTO RESULT TODAY – April 12, 2022

Kinagigiliwan at kinaaliwan ngayon ang isang live selling video ng isang misis na iniwan ng kanyang asawa. Sa halip na ibalik o itago ang mga gamit ng kanyang dating mister ay pinagkakitaan at binenta sa online. Pinamagatan niya ang kanyang live selling video na “MGA GAMIT NG SUMAKABILANG BAHAY NA ASAWA LIVE SELLING”.

Sobrang tuwa ng mga netizen sa live selling video ni Jamille Margarita Galvez ang misis na sumakabilang bahay ang asawa. Bentang-benta din ang mga hugot lines ni Jamille habang nagli-live selling. Tulad ng kanyang panimula sa mga gustong bumili “CAUTION: BUY AT YOUR OWN RISK, MAY SUMPA TO SIGURADO MAGIGING BABAERO UNG BF O ASAWA NIYO! HAHAHA”

Jamille Margarita Galvez | Facebook

Sabi pa niya “Super MURA nalang, kasi di naman marunong magMAHAL ung may-ari”

Ibinida din niya na hindi fake ang binebenta niya “ORIG lahat to walang fake, di naman ako MANLOLOKO gaya nung may-ari”

Pinariringgan niya din ang kabet “Walang LASPAG dito, ung kabet lang nya yerrn”” Wag magMINE kung di mo kaya panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko”

Nanawagan din siya sa lahat ng mga iniwan at pinagpalit sa mga kabet na wag itapon ang mga gamit nila kundi e-benta ito at magkakapera pa sila. Huwag daw mag tabi ng basura.

Nag trending ang live selling niya na umabot ng 28k views ito sa Facebook at nasa 1000 pataas ang mga presyo ng mga binebenta niya.

May mga palaro pa at giveaway si misis sa mga manonoud. Tuloy-tuloy pa rin ang pag bebenta ni  Jamille sa mga gamit ng kanyang sumakabilang bahay na asawa dahil marami pa daw ito sa bahay niya.

COMMENTS

WORDPRESS: 0