KONDUKTOR, TINULUNGAN ANG KANYANG KASINTAHAN MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL

KONDUKTOR, TINULUNGAN ANG KANYANG KASINTAHAN MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL


Viral ngayon sa facebook ang post ni Sincer Mae Balili mula sa Bukidnon kung saan ibinahagi niya ang kwento ng kanyang nakakakilig na love story at a

GAMIT NI MISTER NA SUMAKABILANG BAHAY NA! BINENTA SA LIVE SELLING NI MISIS
TEACHER NAAWA AT NAIYAK SA EXCUSE LETTER NG KANYANG ESTUDYANTE
ISANG OFW NA INDIAN PINALAYAS DAHIL SA KANYANG AMOY

Viral ngayon sa facebook ang post ni Sincer Mae Balili mula sa Bukidnon kung saan ibinahagi niya ang kwento ng kanyang nakakakilig na love story at ang tulong ng kanyang boyfriend sa kanya.

Ibinahagi ni Mae ang love story nila ng kanyang nobyo na si Ediberto “Bert” Tanghap Andil.

Ayon sa kanyang kwento walang sawa ang suporta ni Bert sa kanyang pag-aaral kahit ito ay isang konduktor lamang ng Rural Transit Mindanao Inc. Napakalaki ang tulong na naibibigay ni Bert sa kanya at ang Rural Transit upang siya ay makapagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo.

Noong graduation day na ni Mae ay akala niya makakasama niya ang kanyang boyfriend sa graduation pero hindi ito nakapunta dahil may schedule ito sa trabaho. Sa kabutihang palad ay gumawa ng paraan ang katrabaho ni Bert na isang driver ng bus upang sila ay magkasama sa graduation day ni Mae.

Huminto ang kanilang bus sa reception ng graduation ni Mae para lang makapag picture si Bert kay Mae sa Graduation Day habang nakasout ng toga si Mae.

Proud kaayo ko sa iyang full support saakung pag skwela. Mao nga bhalag dili siya makaapil naay way japon ug salamat kaayo kay timing kaayo ang urasan nila. (Sobrang proud ako sa kaniya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat padin dahil tugma padin yung oras namin.)”

Laking tulong din ang Rural Bus upang maka-pagtapos si Mae dahil inililibre siya ng Bus sa kanyang pamasahe kaya nakaka-ipon siya ng pera at ito ang ginamit pambayad sa mga gastusin sa paaralan.

Third year college nung nagkakilala si Mae at Bert at dalawang taon na silang magkasintahan. Sa panahong iyon ay gusto ng sumuko ni Mae sa pag-aaral pero tinulungan siya ni Bert upang tapusin niya ito.

Mula noon siya na gumapang sa pag-aaral ko alam kung maliit lang sahod niya pero tulong-tulong kaming dalawa,

Ngayon ay nakatapos na ng kolehiyo si Mae sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.

Samantala, nakatanggap naman ng full scholarship si Bert mula sa Ip Tribal School. Siya ay papasok ngayong taon bilang grade 11 na kukuha ng Humanities and Social Sciences o HUMSS.

COMMENTS

WORDPRESS: 0