“PISO PARA SA LAPTOP” NG ISANG IT STUDENT, NAKALIKOM NG 80K NA DONASYON

“PISO PARA SA LAPTOP” NG ISANG IT STUDENT, NAKALIKOM NG 80K NA DONASYON


Viral ngayon sa social media ang post ng netizen tungkol sa isang 22 anyos na studyante na may kursong IT Animation na nanawagan sa social media kung

TEACHER NAAWA AT NAIYAK SA EXCUSE LETTER NG KANYANG ESTUDYANTE
BABAENG BIGLANG NANAKIT NG RIDER, DAHIL LAMANG SA NAKAHARANG ITO SA DAAN
MALA-BATMAN NA LAKI NG PANIKI. NAKUNAN NG ISANG PINOY

Viral ngayon sa social media ang post ng netizen tungkol sa isang 22 anyos na studyante na may kursong IT Animation na nanawagan sa social media kung saan siya ay nanghingi ng Piso sa mga netizen upang makabili ng kanyang gamit para sa kanyang kursong IT Animation. Ang pangalan ng studyanteng ito ay si Primo Cunahap Pinoy Jr.

Primo Cunahap Pinoy Jr. | Facebook

Wala raw siyang laptop at mobile phone lamang ang gamit ni Primo para sa kanyang online class at ngayon ay mag 2nd year college na siya sa Bicol University Polangui Campus, Ligao City ay kailangan na niyang mag upgrade sa laptop dahil hindi na kaya ng kanyang mobile phone ang mga application na kailangan sa kanyang kurso tulad ng mga editing apps at mga render apps.

Kaya naisipan ni Primo na manglimos sa pamamagitan ng social media at tinawag niya pa itong “Piso para sa Laptop”. Nagsulat si Primo sa social media ng kanyan mensahe at ibinahagi ni Primo ang kanyang Gcash number para doon ihulog ang mga tulong mula sa mga may mabuting kalooban na netizen.

Primo Cunahap Pinoy Jr. | Facebook

Ito ang panawagan ni Primo.

Manglilimos po, I’m an IT Animation student from BU na umaasa lang sa cp, di na kaya sa cp ko mag 3D modeling, coding, etc

Hingi po ako kahit piso lang malaking tulong na pandagdag po pang down-payment
Salamat nalang din sa magbibigay.

Piso para sa Laptop
GCASH: 09950840451″

Sa unang araw ay may ilan-ilan din nag hulog ng piso sa kanyang Gcash pero hindi pa ito sapat para sa kanyang gamit hanggang sa sunod-sunod na ang mga comment at share sa kanyang post at mga screenshot ng mga kanilang donation. Hindi akalain ni Primo na madami ang tutulong sa kanyang hinaing hanggang umabot nalang sa 80 thousand pesos ang nalikom ni Primo dahil sa kanyang ipinost.

Primo Cunahap Pinoy Jr. | Facebook

Agad- agad naman binili ni Primo ito ng mga kailangan niya sa kurso tulad ng Laptop, Keyboard at mouse. Pinost niya ito sa social media at sabay nagpasalamat sa lahat ng mga netizen na tumulong sa kanya. Nangako din si Primo na hindi niya sasayangin ang mga donation na ibinigay sa kanya at tatapusin niya ang kanyang pag-aaral.

COMMENTS

WORDPRESS: 0