Customer Nainip Kinsansel Ang Worth 7k Order sa Angkas Driver

Customer Nainip Kinsansel Ang Worth 7k Order sa Angkas Driver


Pinapatupad ngayon ng ating ang social distancing upang maiwan ang sakit na kumakalat sa mga establisyemento at iba pang mga tulad drug store at groc

ANA JALANDONI, NAGSALITA NA! INAMIN NA KASAL NA SIYA SA IBANG LALAKI
MALA-BATMAN NA LAKI NG PANIKI. NAKUNAN NG ISANG PINOY
TEACHER NAAWA AT NAIYAK SA EXCUSE LETTER NG KANYANG ESTUDYANTE

Pinapatupad ngayon ng ating ang social distancing upang maiwan ang sakit na kumakalat sa mga establisyemento at iba pang mga tulad drug store at grocery store. Dahil dito ay nagkakaroon ng mga mahahabang pila sa pagbili ng mga pagkain, gamot at iba pang kailangan natin sa araw-araw. Dahil sa haba ng pila ay umaabot ng isang oras o mahigit ang mga mamimili sa pagpila kaya naman kailangan din ng mahabang pasensya.

Sa kabilang banda naman isang customer na maliit ang pasensya, hindi marunong mag tiis at hindi makaintindi ng sitwasyon ang umani ng mga sari-sari’t komento, reaksyon at galit galing sa mga netizen.

Nagsimula ito sa isang post ni Shiela Tibay sa social media na di umano isang customer ang nag cancel ng order na nagkakahala ng 7000 pesos.

Nakilala ang Angkas driver na si Kuya Aldwin. Ayon kay Shiela Tibay sa post. Matiyaga umanong pumila si Kuya Aldwin dahil sa willing to wait daw ang customer.

Nung natapos na siya sa kanyang mga pinamili  at e dedeliver na niya sana ito ay bigla nalang daw nag cancel ang kanyang customer.

Laking pag hihinayang ni Kuya Aldwin dahil nasa 7000 ang lahat ng kanyang pinamili. Nakakalungkot pa nito ay di na puwede e refund ang mga binili niya sa Mercury Drug Store.

Walang magawa si Kuya Aldwin kundi umuwi nalang dahil wala na siyang pang puhunan para sa mga susunod na order.

Narito ang buong post ng netizen:

“Sya po si Kuya Aldwin, angkas/grab rider may umorder daw po sa kanya na worth 7k tapos kinancel lang po ng costumer.

Nagtyaga si kuya na pumila ng mahaba at matagal tapos hindi pa maibabalik yung puhunan nya, wala na tuloy sya pang byahe, luging lugi si kuya hindi na pwede ibalik sa drugstore yung nabili nya.

Kawawa naman.. para sa pamilya pa naman nya yung puhunan nya tapos lockdown na nga… Naghahanap buhay ng marangal tapos pinagtripan lang ng walang kunsensya. Paki Share na lang po para matulungan natin sya na maibalik ang puhunan nya at makasuhan ang costumer…”

COMMENTS

WORDPRESS: 0