MAGNANAKAW NAKATULOG SA KWARTO NG PINAGNAKAWAN NAHULI!

MAGNANAKAW NAKATULOG SA KWARTO NG PINAGNAKAWAN NAHULI!


Dahil sa nararanasan natin ngayon na pandemic ay madami ang nahihirapan at di alam kung saan kukuha ng pambuhay sa pamilya kaya napipilitan ang iba n

2019 N-CoV Nalulunasan: Pinatunayan ng isang 4 years old
ISANG LOLO SA ILOCOS NORTE PINATAYUAN NG BAHAY NG ISANG GRUPO NG MOTORCYCLE RIDERS.
MAKAGAGO DISS BUKNOY GLAMURRR TUNGKOL SA TRICYCLE ISSUE.

Dahil sa nararanasan natin ngayon na pandemic ay madami ang nahihirapan at di alam kung saan kukuha ng pambuhay sa pamilya kaya napipilitan ang iba na magnakaw. Dagdag pa nito ang panahon natin ngayon na sobrang init at nakakapaso sa katawan. Gusto natin magpalamig kaso wala tayong pera pambili ng aircon kaya minsan pumupunta tayo sa kapitbahay para magpalamig.

Tulad nalang ng lalaking ito na magnanakaw sana kaso nakatulog sa lamig nang binuksan niya ang aircon ng kanyang pinagnakawan.

Alas Dos ng madaling araw, napansin ng may-ari ng bahay na sa kwarto ng kanyang anak ay nakabukas ang aircon. Wala naman daw ang anak niya sa bahay dahil nagpaalam ito na aalis ng isang linggo. Laking pagtataka ang pamilya dahil kanina pa daw nakabukas ang aircon.

Agad tumawag ang may-ari ng bahay sa pulis para macheck ang kwarto ng kanyang anak. Laking gulat ng mga pulis na may hindi kilalang tao sa kwarto, tulog at nakabalot pa ng kumot. Mahimbing daw ang tulog ng taong ito.

Ginising pa ng mga pulis ang lalaki at saka hinuli. Naalimpungatan ang kawatan dahil sa sigaw ng pulis at nagtangka pang tumakas.

Sabi ng magnanakaw na matagal na daw niyang minamanmanan ang bahay para pagnakawan at nung nakapasok na siya sa kwarto ay inaantok daw ito. Binuksan niya ang aircon para matulog daw saglit pero di niya akalain na mahimbing ang tulog niya dahil siguro sa lamig ng aircon hanggang ginising nalang siya ng pulis at may-ari ng bahay.

Agad naman dinala nila ito sa presinto para kasuhan. Kahit na wala naman itong nadalang gamit kakasuhan pa din nila ito ng trespassing dahil sa pagpasok niya sa di kanyang bahay.


COMMENTS

WORDPRESS: 0