INANG NAG LUWAL NG APATNAPU’T APAT NA ANAK

INANG NAG LUWAL NG APATNAPU’T APAT NA ANAK


Si Mariam Nabatanzi na isang residente na nakatira sa Uganda ay nag luwal ng 44 na anak. 13 taong gulang pa lamang si Mariam ay ibinenta siya ng kany

Raffy Tulfo, Napaiyak dahil sa Awa sa Mag-inang Kasambahay na Binugbog ng Amo!
KAWAWANG BALUT VENDOR IKINALAT ANG KANYANG MGA TINDANG BALUT SA KALSADA
Sarah G and Matteo Guidicelli might be GETTING MARRIED TODAY!

Si Mariam Nabatanzi na isang residente na nakatira sa Uganda ay nag luwal ng 44 na anak. 13 taong gulang pa lamang si Mariam ay ibinenta siya ng kanyang mga magulang sa isang 40 taon na lalaki at binuntis ito. Kambal ang unang luwal ni Mariam Nabatanzi makalipas ng ilang taon ay sunod-sunod ang panganganak ni Mariam, hindi lang kambal ang naluwal niya kundi pati triplets at quadruplets hanggang umabot sa 44 na anak.

Mariam Nabatanzi's Family

Para malinawan ito ang lahat ng anak naluwal ni Mariam: 6 twins, 4 sets of triplets, 3 sets of quadruplets at dalawang bata na ipinanganak na solo. Sabi ni Mariam na namatayan na din siya ng 6 na anak. Hindi naman nag sisisi si Mariam na madami siyang anak bagkus iniisip niya itong blessings na galing sa panginoon.

Ang ikinalulungkot lang ni Mariam ay tatanda ang kanyang mga anak ng walang ama matapos iniwan sila ng kanyang asawa dahil sa dami nilang anak. Minsan ay uuwi lang isa sa isang linggo ang kanyang asawa o minsang isang beses sa isang buwan hanggang tuluyan na silang iniwan. Hindi naman hinanap ni Mariam ang kanyang asawa at mag fofocus nalang siya mapalaki ang kanyang mga anak.

Para matustusan ni Mariam ang pangangailangan ng kanyang 44 na anak ay nag pupursigi ito sa pag kokolekta ng mga herbal, pagtitinda ng mga cakes, bricks, herbal. Minsan din ay nag braids siya ng mga buhok sa kasal o anuman okasyon. At dahil din dito nabigyan ni Mariam ng edukasyon ang kanyang mga anak. Sa ngayon ay meron na siyang anak na nurse at isang qualified builder na tumutulong din sa kanya sa mga gastusin.

Ayon sa doctor ni Mariam ay meron siyang genetic predisposition to hyper-ovulate sa madaling salita ay kaya niyang mag produce ng ilang egg cells sa isang cycle kaya mataas ang kanyang chances na makakaanak siya ng mga kambal, triplets at quadruplets. Ang tanging solusyon ay putulin ang kanyang uterus sa loob para hindi na siya maka produce ng egg cell.

Sumangayon naman si Mariam sa advise ng doctor hindi dahil sa ayaw na niyang magkaanak kundi nakakasama na ito sa kanyang katawan. Kung hindi daw ito aaksyonan ay baka buhay na ni Mariam ang kapalit.

COMMENTS

WORDPRESS: 0