XANDER FORD, INARESTO MATAPOS KASUHAN NG KANYANG EX-GIRLFRIEND

XANDER FORD, INARESTO MATAPOS KASUHAN NG KANYANG EX-GIRLFRIEND


Mainit sa social media ngayon ang pag aresto sa isang talent artist / youtube vlogger na si Marlou Arizala o mas kilalang Xander Ford. Ayon sa

Nagsimba lang, Na Meet na Agad si Mr. Right!
Binatikos ng mga Netizen ang isang Mayor dahil sa desisyon nitong pauwiin ang 3 pasyente na positibo sa Covid-19!
Isang lalaking sinakrispisyo ang sarili para makabili ng gamot at pagkain sa mga kabarangay, nag trending!

Mainit sa social media ngayon ang pag aresto sa isang talent artist / youtube vlogger na si Marlou Arizala o mas kilalang Xander Ford.

Xander Ford Kulong

Ayon sa post sa social media, Naaresto ng mga operatiba ng MPD Station 2 na pinamunuan ni Commander PLTCOL Magno Gallora si Marlou Arizala o Xander Ford na isang kilalang vlogger at talent artist na residente sa General Trias Cavite. Nahuli si Xander Ford noong Martes sa Pasay City.

Nakakulong na ngayon sa isang presinto sa Tondo, Maynila si Xander Ford matapos magawan ng arrest warrant sa kaso na RA 9262 o Violence Against Women and their Children na sinampa ng kanyang dating nobya.

Maalala natin na humingi ng tulong ang kanyang dating nobya kay Sir Raffy Tulfo para makausap si Xander Ford pero bigo ang Team nila Sir Raffy Tulfo matapos tumakas at nag tago si Xander Ford.
Nilinaw ng kanyang management na hindi ito scripted, gimik o gawa-gawa lamang totoong nakakulong si Xander Ford.

Sa ngayon ay kinausap ng management ni Xander Ford ang station at tutulungan nila si Xander Ford na makalabas sa kulungan habang inaasikaso pa ang kanyang kaso. Makikita din sa video ng kanyang management na pinagsasabihan siya at dapat bayaran niya ang mga nagawa niyang kasalanan. Kahit na pasaway si Xander ay patuloy pa din tinutulungan ng management ito.

Hiling din ni Xander Ford sa kanyang dating nobya ay makalaya na siya dahil mag papasko.

“Sana mapatawad mo ko. Sana maawa ka sakin kasi magpapasko, tapos ganito mangyayari sa pamilya ko. Wala naman akong ginawang masama sayo.”

“Parehas po kaming nasaktan sa mga nangyari po saming dalawa. Pero di ko po talaga siya na-pisikal po. Mahal ko po ‘yon.” Dagdag pa ni Xander Ford sa Facebook Live.

Sa ngayon ay wala pang balita sa hanay ng kanyang dating nobya at nakiusap din ang kanyang management sa publiko na huwag kaagad husgahan si Xander Ford at hinyain na lamang umusad ang pagdinig sa kaso.

COMMENTS

WORDPRESS: 0