LALAKING NAGLAKAD NG 450 KILOMETERS PARA MAKAPAG-ISIP MATAPOS SILANG MAG-AWAY NG KANYANG MISIS

LALAKING NAGLAKAD NG 450 KILOMETERS PARA MAKAPAG-ISIP MATAPOS SILANG MAG-AWAY NG KANYANG MISIS


Lumayas ang isang italiano para makapag-isip matapos mag-away sila ng kanyang misis. Umabot na siya ng 450 kilometers sa paglalakad bago siya nahuli

PUTING BRIEF ANG GINAMIT NG ISANG MAGSASAKA PARA MALAMAN ANG KONDISYON NG LUPA!
ISANG BATANG NAGTITINDA NG PAGKAIN, NABIKTIMA NG PAMBUBULLY!
Japanese drug ‘clearly’ effective to treat Corona Virus

Lumayas ang isang italiano para makapag-isip matapos mag-away sila ng kanyang misis. Umabot na siya ng 450 kilometers sa paglalakad bago siya nahuli ng mga police dahil sa paglabag ng strict lockdown sa lugar.

Naireport sa police ang isang lalaki daw na isang linggo na naglalakad matapos mag-away sila ng kanyang asawa. Nag simula siyang maglakad sa Como, isang lugar sa north Italy at natapos  sa isang maliit na bayan sa Fano sa isang coastline.

Ayon sa report, Nakita siya ng isang police officers na naglalakad sa 2am ng madaling araw. Hinuli ito dahil lumabag siya sa lockdown na ipinapatupad sa bayan ng Fano. Nagulat din ang police officer sa sagot ng lalaki kung saan siya nag galing.

Nagsagawa ng preliminary checks ang police at nalaman na isang linggo na pala itong missing at ang kanyang asawa ang nag file nito sa Como noong nakaraang linggo.

Nakikita sa mukha ng lalaki na pagod at nilalamig na ito. Inamin niya na di niya alam kung gaano na kalayo ang nalakad niya “Naglakad lamang ako para makapag-isip”, sabi niya.

Sabi pa niya, Naglakad lang ako papunta dito at hindi ako gumagamit o sumakay ng mga sasakyan. Habang naglalakad ako ay may nagbibigay sakin ng pagkain at inumin galing sa mga taong nadadaanan ko. Okay lang ako pero medyo pagod, Sabi niya.

Kinaumagahan ay agad dumating ang kanyang asawa matapos malaman galing sa pulis ang kinalalagyan ng kanyang mister.

Inamin din ng asawa na lumayas siya sa Como matapos silang mag-away at hindi na niya nakita ito simula nun. Kahit nagkita na ang mag asawa ay may charges pa din ito dahil sa paglabag ng curfew hours sa baying ng Fano. Binagbayad sila ng 484.5 US Dollar o halos 24,000 na multa dahil sa COVID-19 overnight curfew.

Binansagang “Italy’s Forrest Gump” ang lalaki sa social media dahil maihinitulad din sa palabas na Forrest Gump.

Saan kaya aabot ang lalaki kung hindi siya nakita ng Police Officers?

COMMENTS

WORDPRESS: 0