ASAWANG NAHULI NAG CHECK-IN SA MOTEL KASAMA ANG KABIT, NAGTAGO SA KISAME NG MOTEL

ASAWANG NAHULI NAG CHECK-IN SA MOTEL KASAMA ANG KABIT, NAGTAGO SA KISAME NG MOTEL


Masakit na pangyayari ang nadatnan ng isang lalaking seaman matapos mahuli niya ang kanyang misis na may kasamang ibang lalaki na nag check-in sa isa

Lalaki na Nagtitinda ng Lobo Napagtripan ng mga Feeling Siga!
THE LEADING MAN OF THE NEW DARNA FINALLY REVEALED!
ISANG ARTIST NA NAGTRABAHO SA MARVEL PATULOY PARING GUMUGUHIT SA KABILA NG PARALYSIS!

Masakit na pangyayari ang nadatnan ng isang lalaking seaman matapos mahuli niya ang kanyang misis na may kasamang ibang lalaki na nag check-in sa isang motel sa Mandaue City.

Ang lalaki na kasama ng kanyang misis ay isa ding seaman na taga bukidnon at pumunta lang sa Mandaue City para makita ang babae. Una ay nag dududa na si mister sa kanyang misis dahil iba na ang ugali nito at parang lumalabo na daw ang kanilang relasyon kaya nagpa-isip si mister na baka may ibang kalaguyo ito.

Sabay daw na sumakay sila ng taxi dahil pupunta daw sa trabaho ang kanyang asawa. Nang mahatid na ang misis sa kanyang trabaho ay bumaba din ang mister malapit sa tinatrabaho-an ni misis. Maya’t – maya ay nakita niya si misis na sumakay ulit ng taxi at agad naman sinundan ito ni mister. Malakas ang kutob niya na pupunta ito sa kabit ng kanyang asawa. Huminto ang taxi ni misis sa pier ng Cebu City at may sumakay daw na lalaki at diretso sa isang motel sa Cebu City.

Agad humingi ng tulong ang mister sa kanyang kaibigan na isang International boxing judge at anchor sa programang dyLA na si Edward Ligas upang makatawag ng pulis dahil nahuli na ang kanyang asawa na may kasamang kabit sa isang motel.

Matapos maghintay sa gate ng motel dumating ang mga pulis na pinadala ng kanyang kaibiga. Nalaman siguro ng kanyang misis at ang kabit na may pulis kaya lumabas ang kabit sa kwarto na may dalang bag. Hinarang siya ng mga pulis. Nagtaka din si mister na bakit hindi pa lumabas ang kanyang misis.

Sinugod nila ang kwarto na pinag check-in ng kanyang asawa at kabit pero di nila mahanap ang kanyang misis. Sabi ng pulis na baka pinatakas ng kabit ang kanyang misis. Maya’t – maya may kumalabog sa kisame at nabutas ito. May nahulog sa sandal at nakita ang paa ng kanyang asawa. Pinababa ng pulis ang asawa gamit ang hagdan.

Photo Credit via DYLA Cebu Newsbreak

Ayon sa kanyang mister ayaw na makipagtalik sa kanya si misis dahil may iba na ito at inamin din ng kabit na 3 years na daw silang may relasyon sa kanyang asawa.

Desidido naman na sampahan ng kaso ni mister ang kanyang misis at ang kabit dahil matagal nap ala siyang niloloko nito at may tatlong anak pa sila ng kanyang misis.

COMMENTS

WORDPRESS: 0