BATANG MALA ROBINHOOD ANG GALING SA PAG GAMIT NG RUBBER BAND GUN, UMANI NG PAPURI

BATANG MALA ROBINHOOD ANG GALING SA PAG GAMIT NG RUBBER BAND GUN, UMANI NG PAPURI


Madami ang napahanga sa angking galing ng 12 taong gulang na bata na taga Thailand sa pag asinta gamit ang rubber band gun. Mala robinhood ang kanyan

MAKAGAGO DISS BUKNOY GLAMURRR TUNGKOL SA TRICYCLE ISSUE.
Estudyanteng nag viral na kumanta sa “Too Good at Goodbyes”; napawow si Sam Smith!
KAWAWANG BALUT VENDOR IKINALAT ANG KANYANG MGA TINDANG BALUT SA KALSADA

Madami ang napahanga sa angking galing ng 12 taong gulang na bata na taga Thailand sa pag asinta gamit ang rubber band gun. Mala robinhood ang kanyang pag asinta sa mga bagay at walang mintis kaya tinagurian siyang “Rubber-Band Sniper Kid”.

PHOTO CREDIT via SUPER 10

Sumali sa isang TV show sa Thailand si Gaffrie na tinatawag na Super 10 kung saan pinapamalas nito ang mga talento ng mga bata bilang pag kompleto ng tatlong pag subok na ibibigay ng mga Judges at kung ma kompleto man nila ito ay bibigyan sila ng gatimpala kung saan ikaw ang mamimili kung ano ito.

Sa unang pag subok ni Gaffrie ay dapat matamaan niya ang tatlong manga na nakasabit sa puno at bawat isang manga ay isang tira lamang. Agad naman inihanda ni Gaffrie ang kanyang ginawang Rubber-band Gun at tinutok ito sa kanyang target. Unang tira ni Gaffrie ay sapul agad ang manga at nahulog. Napamangha ang mga audience at mga judges sila ay napalakpak. Ito din nangyari sa pangalawa at pangatlong manga. Natamaan ni Gaffrie ang lahat ng manga sa isang tira bawat isa.

PHOTO CREDIT via SUPER 10

Sa pangalawang pagsubok ay dapat mataaman ni Gaffrie ang tatlong water ballon sa layo na 20 meters at isang tira lamang bawat isa. Game na Game si Gaffrie at agad ito pumuwesto sa likod ng mga audience. Inihanda ulit ni Gaffrie ang kanyang Rubber-band Sniper at tinutok ang water ballon. Sapul sa unang tira at napahanga muli ang mga audience at judges dahil kahit malayo ay asintado pa din ni Gaffrie ang mga water ballon. Agad naman tinira ni Gaffrie ang pangalawang water ballon at ito ay natamaan niya.

PHOTO CREDIT via SUPER 10

Sa pangatlong water ballon na aasintahin ni Gaffrie ay pinatigil siya ng host dahil alam na niya na matatamaan niya ito kaya diniresto na si Gaffrie sa huling pag subok. Inilabas ng host ang isang maliit na bato at sa liit nito ay hindi masyado makita ni Gaffrie ito galing sa puwesto niya pero Game pa din ang bata. Pinalitan ng maliit na bato ang water ballon at ito na ang bagong target ni Gaffrie. Agad naman niyang tinutukan ito at nag concentrate si Gaffrie. Pagkalabit ng kanyang Rubber-Band Sniper ay sapul na sapul ang maliit na bato. Sobrang napahanga ang mga audience at judges napatayo sila at pumalakpak.

PHOTO CREDIT via SUPER 10

Dahil na kompleto ni Gaffrie ang mga pagsubok ng Judges ay agad naman siyang tinanong kung ano gusto ng bata. Sabi ng bata kaya lang siya sumali sa TV show dahil gusto niya mabayaran ang utang ng kanyang ina na 40,000 Thai Baht at mabilhan ng bagong Lawnmower ang kanyang tatay.

PHOTO CREDIT via SUPER 10

Sumangayon naman ang mga Judges sa hiling ng bata kaya binigyan ito ng 50,000 Thai Baht. Napaiyak ang bata sa tuwa dahil natupad niya ang kanyang pangako para sa kanyang mga magulang.

COMMENTS

WORDPRESS: 0