MADUMING CONDO NI TEKLA NILINIS NI DONITA NOSE

MADUMING CONDO NI TEKLA NILINIS NI DONITA NOSE


Inilabas ni Donita Nose sa kanyang vlog ang itsura ng condo ng kanyang kaibigan na si Tekla matapos layasan ito at umuwi sa Paranaque. Nakakawindang

ALICE DIXSON, ILALAHAD NA ANG BUONG PANGYAYARI TUNGKOL SA SNAKE MAN NG ISANG MALL!
PINAY OFW, PINURI DAHIL SA PAGLIGTAS NG MGA ANAK NG KANYANG AMO MATAPOS ANG PAGSABOG SA BEIRUT
2 Security Guards complained their abusive agency in Bohol on Wanted sa Radyo

Inilabas ni Donita Nose sa kanyang vlog ang itsura ng condo ng kanyang kaibigan na si Tekla matapos layasan ito at umuwi sa Paranaque. Nakakawindang ang mga kalat na iniwan sa Condo ni Tekla maiisip mo na hindi kaya itong linisin ng isang tao lamang.

Sa vlog ni Donita Rose makikita moa ng mga iniwang kalat tulad ng mga bote na walang laman. Meron pang mga pagkain na na panis na at mabaho. Nasasayangan si Donita Nose dahil madaming mga pagkain ang napanis. Lumipat naman sila sa sala kung saan makikita ang mga kalat kalat na damit pinaghalo ang mga malilinis at madudumi, biro pa ni Tekla na assorted daw ito. Makikita din na iniipis na ang kanilang Condo dahil sa mga kalat.

Nagulat din si Donita Nose matapos makita niya ang gamit na napkin sa likod ng TV at iniipis na ito. Nandidiri si Donita Nose at masasabi mo na mga burara ang mga kasama ni Tekla. Ang higaan naman ay maitim na pati din ang dalawang unan. Sa banyo naman ay nakakalat ang mga sabon at ang mga damit na basa ay mabaho na din. Binuhusan din ni Donita Nose ang inidoro dahil madumi ito.

Sa kwarto naman ni Tekla ay makalat din makikita mo ang mga bote na nakakalat at mga ipis na gumagapang. Nagaalala si Donita Nose dahil may bata pa naman sa kwarto at sensitibo ito sa mga maalikabok.

Naawa si Donita Nose kay Tekla dahil siya lang ang mag lilinis nito kaya napasyahan na din ni Donita na tulungan ang kanyang kaibigan na malinis ito. Tinapon nila lahat ng mga basura sa labas at hinuhugasan ang mga gamit. Unti unting luminis ang condo ni Tekla. Namomoblema din ito dahil sa mga bayarin sa condo matapos may mga sira sira ito.

Nagpapasalamat si Tekla sobra kay Donita Nose dahil tinulungan ito at hindi siya pinabayaan nung nasa baba siya.

Hindi pa dito nagtatapos ang pag lilinis nila Donita at Tekla sa Condo nito.

COMMENTS

WORDPRESS: 0