LALAKING BINIYAK ANG BUNDOK PARA LANG SA KANYANG MINAMAHAL

LALAKING BINIYAK ANG BUNDOK PARA LANG SA KANYANG MINAMAHAL


Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa pinatunayan ng lalaking ito na walang imposible sa mundo kahit bundok kaya niyang gibain. Ito ang storya

ANAK NG NAMAYAPANG GURO PROUD SA KANYANG TATAY DAHIL SA DEDIKASYON NITO SA KANYANG PROPESYON
Male Vlogger Spent 10 years becoming a Female
Top 10 Richest Man and their Business in the Philippines

Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa pinatunayan ng lalaking ito na walang imposible sa mundo kahit bundok kaya niyang gibain.

Ito ang storya ni Dashrath Manjhi isang mangagawa na taga Bihar. Simple lang pamumuhay ng pamilya ni Manjhi araw-araw siyang tumatawid ng bundok upang makapagtrabaho sa isang lupain kung saan siya ay isang laborer doon at yung asawa naman ay naghahatid ng pagkain kay Dashrath tuwing tanghali.

Araw-araw nilalakad ng mag-asawa ang bundok at ito lang din ang pinakamalapit na daan para makapunta sa mga hospitals, skwelahan , mga kailanganin araw-araw tulad ng tubig at iba pa.

Isang araw nahuli ng dating ang kanyang asawa sa paghahatid ng pagkain nito. Nagalit si Dashrath dahil ito ay gutom na. Maya-maya’t may dumating na isang tao na galing sa kanilang lugar sinabihan siya na nahulog daw ang kanyang asawa habang nag lalakad sa bundok. Agad agad naman pinuntahan ni Dashrath ang kanyang asawa at nakita niyang duguan ito. Binuhat ni Dashrath ang kanyang asawa at tumakbo papunta sa pinakamalapit na hospital na may 75 kilometro ang layo at dun dineklara na dead on arrival na ang kanyang asawa.

Labis na paghihinagpis ang nadarama ni Dashrath sa pagkawala ng kanyang asawa at isinumpa niya sa kanyang sarili na wala ng maghihirap pang umakyat sa bundok kaya napag desisyonan ni Dashrath na gibain ang bundok at gumawa ng daan. Ibinenta niya ang kanyang tatlong kambing upang makabili ng gamit na chisel, martilyo at crowbars humingi siya ng tulong sa kanyang lugar pero pinagtawanan lang siya ito at sinasabihan na nasisiraan na ng ulo.

Hindi nagpatinag si Dashrath at tinuloy niya ang kanyang plano. Sa umaga nagtatrabaho siya bilang laborer at sa hapon naman niya ginagawa ang pag gawa ng daan sa bundok. Nag dadala ito ng tubig at binubuhos sa bato para madali lang ito mabiyak. Matiyagang ginagawa ito ni Dashrath araw araw hanggang tinulungan siya ng kanyang mga kakilala, binibigyan siya ng pagkain at mga tubig araw araw.

Natapos ni Dashrath ang daan sa loob ng 22 na taon na pagpursigi. Dati ay maglalakad ka ng 75 kilometro papunta sa hospital ngayon ay 5 kilometro nalang at hindi lang siya ang makikinabang nito pati na rin ang mga tao sa lugar niya. Tinawag na “Baba” si Dashrath dahil sa sipag at determination nito. Hindi lang dito nagtatapos ang mission ni Dashrath, lumapit siya sa Chief Minister ng Bihar upang gawing spalto ang daan at pumayag naman ang Chief Minister ng Bihar.

Inaalay ni Dashrath ang kanyang nagawa sa kanyang yumaong asawa. Makalipas ng ilang taon pumanaw si Dashrath dahil sa cancer pero nanatili pa din ang resulta ng kanyang kasipagan at determinasyon sa iba’t- ibang sulok ng bansa.

COMMENTS

WORDPRESS: 0