MAHIGIT 300K NA SWELDO NG VLOGGER NA SI “BOY TAPANG” SA YOUTUBE NAWALA NA PARANG BULA

MAHIGIT 300K NA SWELDO NG VLOGGER NA SI “BOY TAPANG” SA YOUTUBE NAWALA NA PARANG BULA


Labis na paghihinayang ang nadarama ngayon ng isang youtube vlogger na si Boy Tapang dahil sa pagkabura ng kanyang Youtube Channel na Mukbang TV sa y

Mom shared a video of her bullied son begging to kill himself, boy inundated with support after the video went viral!
Trending! DJ Loonyo, Binatikos dahil sa mass testing interview
Cop, foreigner conflict over ECQ implementation in luxurious Makati village

Labis na paghihinayang ang nadarama ngayon ng isang youtube vlogger na si Boy Tapang dahil sa pagkabura ng kanyang Youtube Channel na Mukbang TV sa youtube na may lagpas 300,000 na subscribers at million views. Ayon sa mga netizen nabura daw ito dahil nabanned ang kanyang channel sa youtube. Binabanned daw ni Youtube ang mga channel na lumalabag sa kanilang mga community guidelines.

Sumikat si Boy Tapang sa social media dahil sa mga kanyang video content kung saan siya ay kumakain ng kung ano-anu na nakakadiri sa paningin ng mga tao na para sa kanya para lang siyang nag mukbang kasabay din nito ay ang kanyang pagpapatawa sa mga viewers.

Inilahad din ni Boy Tapang ang kanyang saloobin sa kanyang bagong channel na “Boy Tapang Vlog’s”. Kinuwento niya dun sa kanyang video na hindi pa niya nakukuha ang sweldo sa youtube, katumbas daw ng limang buwan na sahod ang natira sa kanyang channel nasa mga 300,000 at nawala ito ng parang bula. Kung nakuha lang niya ang kanyang pera dun sa youtube ipapaayos niya ang kanilang bahay dahil butas butas na ang mga bubong at dingding nito, bibilhan daw niya ng bagong television ang kaniyang mga magulang at pamangkin para hindi na ito mangapit bahay para manoud lang ng tv.

Laking paghihinayang ang nadarama ni Boy Tapang pero hindi pa din siya susuko gagawa pa din siya ng mga video content at e upupload niya sa kanyang bagong channel na Boy Tapang Vlog’s. Humihingi din siya ng supporta sa kanyang mga fans para mag subscribe sa kanyang bagong youtube channel at tulungan siyang bumangon muli.

Sa ngayon nasa 2.66k na ang subscribers ni Boy Tapang sa kanang bagong Youtube Channel na Boy Tapang Vlog’s at may 36 videos na inupload ito.

Dahil talamak na ang pag vlogging minsan gusto natin magkapera agad kaya nalilimutan natin ang mga Guidelines at Policy ng mga nagpapa sweldo sa atin. Ugaliin basahin ang mga Guidelines at Policy ni Youtube kung pasok ba ang mga video na iuupload mo sa kanila upang maiwasan ma banned ang Youtube Channel mo.

COMMENTS

WORDPRESS: 0