NETIZEN HUMANGA SA KABAYANIHAN SA ISANG 29 ANYOS NA FRONTLINER MATAPOS TULUNGAN SA PANGANGANAK ANG ISANG INA SA BANGKETA.

NETIZEN HUMANGA SA KABAYANIHAN SA ISANG 29 ANYOS NA FRONTLINER MATAPOS TULUNGAN SA PANGANGANAK ANG ISANG INA SA BANGKETA.


“If you have the capacity to help another person who is in need, especially if it is a life and death situation, Just do it. But make sure you really

Man Attacked and Robbed Turned into a Math Genius!
Isang Aso; Nainip na Maghintay sa Amo, Nag-commute Mag-isa!
TONI FOWLER MAY PASABOG DIN PARA KAY DJ LOONYO!

“If you have the capacity to help another person who is in need, especially if it is a life and death situation, Just do it. But make sure you really know what you are doing. If not, find another person who can help.” Ito ang katagang sinabi ng isang 29 anyos na si Mary Lorraine Pingol isang nurse matapos tumulong ito sa panganganak sa isang ginang sa isang bangketa sa Makati City.

Papunta na sana sa trabaho si Mary Lorraine nang madatnan niya ang mga Barangay rescue team na may nirescue na buntis. Sa kasamaang palad hindi pa nag duduty ang mga nurses at midwives ng mga rescue team. Gusto nila madala ito sa ospital pero ang pinakamalapit na ospital lang ay may 7 kilometro na layo

Hindi naman nag dalawang isip na tumulong si Mary Lorraine sa mga rescue team sapagkat nagawa niya ang pag papanganak sa loob lang ng apat na minuto. Maingat niyang na deliver ang sanggol at dahan-dahan naman niyang pinutol ang umbilical cord.

Laki ang panghanga sa mga rescue team kay Mary Lorraine dahil kung hindi sa kanya baka nasa peligro na ang buhay ng mag-ina. Matapos makita ng nurse na okay na ang ina ay agad naman itong nag sanitize at umalis dahil late na daw ito sa trabaho. Naglalakad lamang si Mary Lorraine papunta trabaho na umaabot ng 30 minutes na paglalakad. Hindi naman daw ito pinagalitan ng kanyang tinatrabahoan kahit isang oras at kalahati tong late. Masaya naman ang mga kasama niya sa trabaho dahil sa tulong na ginawa niya

Nabalitaan din ni Mary Lorraine na nasa Ospital na ang mga ina at nasa mabuting kalagayan naman ito.

“That was enough for me,” sabi ng nurse.

Isa si Mary Lorraine sa mga Good Samaritan ngayong pandemic na nararanasan natin. Handa siyang tumulong ng walang alin-alangan at dahil din isa din siyang Medical front liner mabigat at delikado ang mga kanilang trabaho ngayon kasi na eexpose sila sa mga patient na may virus para lang alagaan at gamutin tayo. Sa kabila nito nararansan din nila ang mga diskriminasyon dahil sinasabing COVID-19 carriers daw sila. Hindi natin naiisip na sinasakripisyo nila ang kanilang buhay para tayo ay mabuhay.

COMMENTS

WORDPRESS: 0