ANG KALAGAYAN NI JOHN REGALA NGAYON

ANG KALAGAYAN NI JOHN REGALA NGAYON


Kamakailan lang nag viral ang litrato ng veteranong actor na si John Regala na nakaupo sa sulok, utal na mag salita at may hinihintay sa isang sulok.

Top 10 Richest Man and their Business in the Philippines
MGA PINAY CELEBRITIES NA NAKAPANGASAWA NG MILYONARYO
XANDER FORD IPINAKILALA ANG KANYANG BOYFRIEND MATAPOS UMAMIN NA BISEXUAL SIYA

Kamakailan lang nag viral ang litrato ng veteranong actor na si John Regala na nakaupo sa sulok, utal na mag salita at may hinihintay sa isang sulok. Dahil sa pag viral ng litrato nito ay kinontak siya agad ni Raffy Tulfo para tulungan sapagkat may iniinda itong sakit na Liver Cirrhosis.


Dahil din sa tulong ni Raffy Tulfo na kontak din ni John Regala ang kanyang unang asawa na si Aurina at nakausap din niya ang kanyang anak. Agad din dinala si John Regala sa ospital para tugunan ang mga problema sa kaniyang kalusugan.

“Makikita mo pa rin na talagang gusto niya pa ring lumaban ngayon. Kasi before talagang malungkot na siya eh. So ever since noon, two to three days or almost one week iyak ako nang iyak. Noong napasok na siya sa ospital talagang sabi ko lakasan mo loob mo,” kuwento ni Aurina.

Humingi din ng tulong ang kanyang unang asawa sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni John Regala para mapalakas din ang kanyang loob kasi ito ang kailangan niya ngayon. Nanagawan din siya sa mga tagahanga ng kaniyang dating asawa na ipagdasal din ang actor.

Nagbigay din ng supporta ang kanyang kaibigan na si Chuckie kasi naawa siya sa kanyang kaibigan kung bakit niya nararanasan ito.

“Right now talaga he’s in a lot of pain because apart from his liver and kidney problems, which are barely functioning already, he also has gout. Sobrang lagi siyang nagko-complain sa sobrang sakit,” sabi ni Chuckie.

“Nadurog talaga ang puso ko. Parang why is he going through this? And I cannot imagine someone going through this alone so parang I really felt the need to reach out,” dagdag pa ng aktor.

COMMENTS

WORDPRESS: 0