PINAY OFW, PINURI DAHIL SA PAGLIGTAS NG MGA ANAK NG KANYANG AMO MATAPOS ANG PAGSABOG SA BEIRUT

PINAY OFW, PINURI DAHIL SA PAGLIGTAS NG MGA ANAK NG KANYANG AMO MATAPOS ANG PAGSABOG SA BEIRUT


Nakakagimbal na balita ang nag viral sa social media dahil sa insedente ng pagsabog ng isang warehouse sa Beirut, Lebanon. Ayon sa listahan ng Lebano

XANDER FORD, INARESTO MATAPOS KASUHAN NG KANYANG EX-GIRLFRIEND
TUKOY NA ANG ISA SA MGA SUSPEK SA PAG PATAY NG FEMALE DRIVER NA SI JANG LUCERO
Netizen! Nagulat sa bugbog na larawan ni Kris.

Nakakagimbal na balita ang nag viral sa social media dahil sa insedente ng pagsabog ng isang warehouse sa Beirut, Lebanon. Ayon sa listahan ng Lebanon Health Minister, kumatay ng 137 na katao at halos 5000 naman na sugatan sa napakalaking pagsabog noong Martes, Kasama sa mga nasawi ang dalawang OFW.

Sa ngayon Idineklara ng “Disaster City” ang syudad ng Beirut dahil sa pangyayari at nag-anunsyo na ng dalawang –linggong state of emergency ang pamahalaan ng Lebanon. Mahigit mga 35000 na katao ang nailikas mula sa mga kanilang tahanan.

Sa gitna ng pangyayari may ilan-ilang kwento din tungkol sa kabayanihan tulad ng kabayanihan ng kababayan nating OFW na si Filipina Sulit Salvador na umani ng papuri at pag hanga ng mga netizen dahil tapang niyang ligtasin ang dalawang anak ng kanyang amo.

Noong naganap ang pag sabog pinapakain daw ni Filipina Salvador ang kanyang dalawang alaga. Dali-dali naman niyang iniharang ang kanyang katawan upang hindi masugatan ang mga kanyang alaga mula sa mga tumatalsik na basag na salamin sa kanilang bintana.

Hindi na napansin ng ating Hero OFW na si Filipina Salvador na naliligo na ito ng kanyang sariling dugo  at madami na pala siyang sugat sa katawan dahil sa mga salamin na tumalsik sa kanya o mga debris ng salamin. Hindi na daw niya nararamdaman ang mga sakit ng sugat dahil na din sa kaba nito at inaalala niya din ang kaligtasan ng mga batang inaalagaan.

Sa ngayon ay ginagamot na si Filipina Sulit Salvador dahil sa mga natamo niyang sugat at nagpapahinga muna ito ngayon dahil sa trauma na naranasan sa insidente. Nais ni Filipina Sulit Salvador na umuwi na ng Pilipinas dahil matagal na din daw itong hindi nakakauwi.

Sa kasalukuyan, nasa 33,000 Filipino ang naninirahan at naghahanap-buhay sa Lebanon base sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA).

COMMENTS

WORDPRESS: 0