LIMANG PERSON WITH DISABILITY BUMAYAHE NG 220 KILOMETRO GAMIT ANG WHEELCHAIR PARA MAKAUWI SA KANILANG MGA TAHANAN DAHIL WALANG MASAKYANG SASAKYAN NITONG PANDEMIC

LIMANG PERSON WITH DISABILITY BUMAYAHE NG 220 KILOMETRO GAMIT ANG WHEELCHAIR PARA MAKAUWI SA KANILANG MGA TAHANAN DAHIL WALANG MASAKYANG SASAKYAN NITONG PANDEMIC


Napakalayong biyahe simula Rosales, Pangasinan papuntang Cainta Rizal gamit lang ang wheelchair. Imposible man pakinggan pero ito ngayon ang ginawa n

Nagsimba lang, Na Meet na Agad si Mr. Right!
2019 N-CoV Nalulunasan: Pinatunayan ng isang 4 years old
ISANG NETIZEN NAG ORGANIZED NG INITIATIVE MISSION PARA KAY TATAY NA NAG VIRAL DAHIL SA PAGTITINDA NG GULAY PANG MAINTENANCE NG KANYANG GAMOT.

Napakalayong biyahe simula Rosales, Pangasinan papuntang Cainta Rizal gamit lang ang wheelchair. Imposible man pakinggan pero ito ngayon ang ginawa ng Limang person with disability (PWDs) para makauwi lang sa kanilang tahanan.

PHOTO CREDIT via FACEBOOK

Noong Agosto 1, 2020 nadatnan ng isang netizen habang nag bibisikleta ang mga limang person with disability na dumadaan sa gilid ng highway na naka wheelchair. Nakamask naman ang mga ito at may payong sa likod ng kanilang mga wheelchair para hindi sila mainitan agad niyang tinanong ito kung saan sila pupunta at laking gulat ng netizen sa sinabe ng limang person with disability. Galing pa daw itong Pangasinan at papunta silang Cainta para makauwi sa kanilang mga tahanan. Anim na araw na din silang bumayahe na naka wheelchair at minsan ay nang lilimos nalang sila para may makakain habang nag wheelchair. Minsan din ay tinutulongan din sila ng mga tao para itulak ang mga kanilang wheelchair at dito sila nakakapahinga.

“Habang akoy nagbibisikleta nakita ko sa barangay cariño paniqui tarlac nakita ko ang mga kapatid nating mga naka wheelchair.tinanong ko sila Kung saan sila papunta Ang Sabi nila galing daw sila ng ROSALES PANGASINAN pauwi sila Ng CAINTA ayaw daw silang isakay kaya matsaga nilang binabaybay ang mahaba at delekadong daan patungo Ng CAINTA…Please paki like and share para matulungan sila dahil tinapay na Lang Ang baon at pagkain nila..mga lumpo Po sila”

Kung e sesearch mo sa mapa halos dalawang daang kilometrong distansya mula Rosales, Pangasinan papuntang Cainta, Rizal. Halos tatlong oras din biyahe pag gamit ang sasakyan madadaanan mo ang Tarlac City, Angeles, San Fernando at Malolos.

PHOTO CREDIT VIA FACEBOOK

Dahil sa pandemic na nararanasan natin ngayon madaming tao ang naapektohan at madami ang nagbago ang kabuhayan pero sa kabila din nito patuloy pa rin tayong lumalaban at bumabangon. Ito ang pinakita ng Limang person with disability. Habang may buhay may pagasa.

COMMENTS

WORDPRESS: 0