UTAL NA MAGSALITA AT MAY LIVER CIRRHOSIS ANG SIKAT NA KONTRABIDA NOON NA SI JOHN REGALA.

UTAL NA MAGSALITA AT MAY LIVER CIRRHOSIS ANG SIKAT NA KONTRABIDA NOON NA SI JOHN REGALA.


Nakakapanlumong tingnan ang sitwasyon ngayon ng dating sikat na kontrabida sa mga pelikula  na si John Regala. Noong Martes kinunan ng litrato at

NAGULAT ANG NETIZEN SA BAGONG FIGURE NI ANGEL LOCSIN!
Mommy Dionisia gives House Tour in Jinkee Pacquiao’s Vlog
Man Attacked and Robbed Turned into a Math Genius!

Nakakapanlumong tingnan ang sitwasyon ngayon ng dating sikat na kontrabida sa mga pelikula  na si John Regala.

Noong Martes kinunan ng litrato at pinost sa social media ng isang netizen na si Carl Nathan ang larawan ni John Regala na nakaupo at nanghihingi ng tulong sa Pasay City. Aniya, may hinahanap daw itong nurse kasi nahihilo na siya medyo hindi maintindihan ng netizen ang salita niya dahil utal na ito magsalita. Agad naman lumapit ang netizen sa mga tanod at pulis para matulungan ang veteranong actor na si John Regala

Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po kase nahihilo siya may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY tapat nang lots a pizza masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon 😢😢😢 Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa 😢 maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong “#PLEASEHELP
#MR.JOHNREGALA

Ayon kay John Regala, May sakita daw siyang Liver Cirrhosis at labing limang araw na siya na hindi kumakain dahil ayaw tanggapin ng tiyan niya ang kahit anong klase ng pagkain. Dahil sa sakit niyang Liver Cirrhosis laging may tubig ang tiyan niya at bloatedness ang mararamdaman niya at isinusuka daw niya kapag kumakain siya.

Sabi pa ng actor hindi lang din ang sakit niya ng pinoproblema niya pati na rin ang pamilya dahil sa depresyon na nararanasan nila dahil sa pagpanaw ng kanilang ina na si Ruby Regala. Hindi din mabuti ang relasyon niya ngayon sa asawa niya kaya ratsada ng problema ang hinaharap niya ngayon.

Taong 2017 din nakuhaan ng panayam si John Regala ng isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho dahil sa pag viral ng larawan niya sa social media na nawalan ng malay sa labas ng isang supermarket sa Cavite.

Desidido magpagaling ngayon si John Regala dahil gusto niyang bumalik sa showbiz. Malaalala bago pa may pandemic nanghingi na ng tulong si John Regala sa isang sikat na artista na si Coco Martin para mabigyan ito ng break sa Teleseryeng Ang Probinsyanodahil walang wala ito sa ngayon.

Si John Regala ay isang mahusay na artista lalo na sa pag panggap bilang isang kontrabida.

COMMENTS

WORDPRESS: 0