ANAK PROUD SA 44 TAONG GULANG NA INA NA GRUMADUATE NG SENIOR HIGH SCHOOL

ANAK PROUD SA 44 TAONG GULANG NA INA NA GRUMADUATE NG SENIOR HIGH SCHOOL


Pinost ng anak na si Ryzinnia Dacuran Agualada ang kanyang ina na grumaduate ng senior high school nito lang July. Ang ina ay si Elena Agualada 44 gu

Binatikos ng mga Netizen ang isang Mayor dahil sa desisyon nitong pauwiin ang 3 pasyente na positibo sa Covid-19!
ISANG LOLO SA ILOCOS NORTE PINATAYUAN NG BAHAY NG ISANG GRUPO NG MOTORCYCLE RIDERS.
BABAENG CHINESE NA-IN LOVE DAW SA PULUBI!

Pinost ng anak na si Ryzinnia Dacuran Agualada ang kanyang ina na grumaduate ng senior high school nito lang July. Ang ina ay si Elena Agualada 44 gulang na may 5 limang. Sobrang proud ang mga kanyang anak sa na achieve ng kanilang ina.

“Road na sa college si mama♡sana ol matalino ,ma hanggang makapag tapos ka susuportahan😊 ka namin malapit ka Ng makapag tapos then baka maging teacher ka na sipag talaga hanep❤️labyu mama Kaya Yan sa susunod ako Naman ganyan . CONGRATULATIONS ❤️ “

Grumaduate si Elena Agualada sa St. Ignatius Technical Institute of Business and Arts sa Santa Rosa, Laguna sa ilalim ng Home Economics. Hindi madali ang pinagdaanan ni Elena Agualada dahil pinag sasabay niya ang pang-aaral, pag tatrabaho at pag-aasikaso sa kanyang limang anak. Nag tatrabaho si Elena Agualada bilang isang house caretaker at cleaner pero ang pinakamahirap sa pagsubok na naranasan ni Elena Agualada ay ang pangungutya ng mga tao sa kanya.

Minsan daw nakakadinig siya ng mga salitang nagmamaliit sa kanya pero hindi ito pinapansin ni Elena Agualada at patuloy pa din niya aabutin ang kanyang pangarap na makatapos.

“Titingnan ka nang mula taas hanggang pababa. Tapos pag talikod mo pagtatawanan ka. Sasabihin, ‘Tingnan mo ang tanda-tanda na, dapat nasa bahay na lang,'” sabe ni Elena Agualada

Noong bata pa si Elena Agualada nag hiwalay ang kanyang magulang kaya natigil siya ng pag-aaral pero hindi hadlang para sa kanya ang katandaan para makatapos ng pag-aaral kahit na mas matanda pa siya sa kanyang mga guro sa paaralan.

Hindi din dito nagtatapos ang pangarap ni Elena Agualada gusto niya magpatuloy sa kolehiyo sa kursong BS Education at the Polytechnic University of the Philippines-Santa Rosa.

Suportado naman ang kanyang anak sa desisyon ni Elena Agualada sa magpatuloy sa kolehiyo.

“Nandito lang po kami para suportahan ka sa lahat ng gagawin mo, mahal na mahal ka namin (We are all here to support you, we love you so much).” Sabi ng kanyang anak na babae.

COMMENTS

WORDPRESS: 0