ISANG LOLO SA ILOCOS NORTE PINATAYUAN NG BAHAY NG ISANG GRUPO NG MOTORCYCLE RIDERS.

ISANG LOLO SA ILOCOS NORTE PINATAYUAN NG BAHAY NG ISANG GRUPO NG MOTORCYCLE RIDERS.


Pinag tumpi-tumpi na yero at kahoy ang bahay ng isang Lolo sa Ilocos Norte na si Feliciano Domingo 88 anyos na mula sa Barangay Maab-abaca, Piddig, I

Estudyanteng nag viral na kumanta sa “Too Good at Goodbyes”; napawow si Sam Smith!
Pinakamatabang Bata sa buong Mundo..Pumayat na!
MGA PINAY CELEBRITIES NA NAKAPANGASAWA NG MILYONARYO

Pinag tumpi-tumpi na yero at kahoy ang bahay ng isang Lolo sa Ilocos Norte na si Feliciano Domingo 88 anyos na mula sa Barangay Maab-abaca, Piddig, Ilocos Norte. Pag pasok mo pa lang sa bahay niya ay nakatambad ang gamit pag kusina at tulugan niya. Magkatabi lang ang kusina at tulugan ni Lolo Feliciano. Laking gulat ng mga ADJO Moto Club o AMC-PIDDIG nung nakita nila ang bahay ni Lolo Feliciano. Magkahalong lungkot at pangamba din ang naramdaman ng mga riders kay Lolo Feliciano dahil sa bahay at sitwasyon niya ngayon lalo na may epidemiya tayo nararanasan ngayon.

Nag pulong pulong ang mga riders para mapatayuan ng bagong bahay si Lolo Feliciano sa pangunguna
ng President ng ADJO Moto Club na si DHOODZ PAJITA. Sabi ni DHOODZ PAJITA “Nung under pa ng GCQ Ilocos Norte nun, Bale nag conduct po kami ng covid relief operation sa grupo naming. Selected lang po yung binigyan naming pero sa barangay maab-abaca po tatlo po yung binigyan naming so tinawagan po naming si ex kapitan Florentino Soriano siya po ang nagbigay samin kay Lolo”

Mag-isa lang nakatira si Lolo Feliciaino sa bahay at kapitbahay niya ang kapatid nito na 86 gulang na tumitingin sa kanya. Hirap na din niya tulungan ang kapatid dahil sa kanyang edad. Naglikom ng pondo ang mga ADJO Moto Club riders para mapatayo ng kongretong bahay si Lolo Feliciano. Hindi lang sa paglikom ng pondo ang ginawa ng ADJO Moto Club riders kundi sila pa ang gumawa ng bahay sa loob ng 12 na araw. Ngayon kongkreto na ang bahay ni Lolo Feliciano at hindi na ito mahihirapan pag may mga sakuna. May maayos na rin itong kusina at matutulugan.

Nagpasalamat din si Lolo Feliciano sa mga riders dahil sa tulong na binigay sa kanya. Hindi din akalain ni Lolo Feliciano na magkakaroon siyang magandang bahay.

Saludo kami sa inyo ADJO Moto Club

COMMENTS

WORDPRESS: 0