BUKNOY GLAMURRR AT MAKAGAGO NAGKAHARAP NA!

BUKNOY GLAMURRR AT MAKAGAGO NAGKAHARAP NA!


Trending ngayon sa youtube ang video kung saan nag harap si MAKAGAGO at Buknoy Glamurrr sa opisina ng Star Image Artist Management sa Quezon City. Ba

MISTER, HINIWALAYAN NI MISIS DAHIL DI DAW NAKASAING!?
Jadine,Totoo bang nagkabalikan na? Ebidensya ipinakita!
ANAK PROUD SA 44 TAONG GULANG NA INA NA GRUMADUATE NG SENIOR HIGH SCHOOL

Trending ngayon sa youtube ang video kung saan nag harap si MAKAGAGO at Buknoy Glamurrr sa opisina ng Star Image Artist Management sa Quezon City. Balak daw kasuhan ng kaso ni Buknoy Glamurrr si MAKAGAGO dahil sa ginawa nitong diss tungkol sa kanya. Sabe ng may-ari kaya daw niya pinapunta ang dalawa sa office para mapagusapan muna ang issue bago ito ipasa sa korte. Pumayag naman ang dalawa at nagkita sila noong July 6, 2020.

Video Credit via Youtube

Makikita sa video na nag paliwanag si MAKAGAGO kung bakit niya ginawa ang diss tungkol kay Buknoy Glamurrr. Nayayabangan na daw si MAKAGAGO at lumalaki na daw ang ulo nito kahit hindi pa ito masyadong kilala sa youtube. Pinangaralan din ni MAKAGAGO si Buknoy Glamurrr dahil sa pag mamaliit nito sa isang tricycle driver.

Depensa naman ni Buknoy Glamurrr na under age pa daw siya kaya may laban siya pag pinasa niya ang kaso at dahil sa video ni MAKAGAGO nakakatanggap na daw siya ng pagbabanta o Death Threats. Dumadami na din daw ang mga haters niya nag memessage pa sa kanya na di daw nila gusto ugali niya. Nasaktan din daw si Buknoy Glamurrr sa mga sinasabe ni MAKAGAGO kahit hindi naman daw ito totoo.

Sabe pa ni Buknoy Glamurrr hindi daw niya sinasadya maliitin ang tricycle driver kasi pag siya daw ay nagsalita ng mabilis di na niya alam ano pinagsasabi niya. Mabilis naman sumagot si MAKAGAGO na hindi maganda na biro yun. Patuloy pa din ang pangangaral ni MAKAGAGO sa bata at sinabihan na maging humble at tanggapin kung ano meron siya.

Nag sorry naman si Buknoy Glamurrr sa mga ginawang niyang pang mamaliit at pang tatapak sa mga tao. Nangako din siya na hindi na daw ito mauulit. At dahil dun inuring ni Buknoy Glamurrr ang kaso na isasampa niya sana kay MAKAGAGO.

Nag trending ang video ang umabot ito sa top 1 trending Youtube Video dito sa Pilipinas.

COMMENTS

WORDPRESS: 0