Bubong lang ang hiningi pero bahay ang binigay ni Idol Raffy Tulfo

Bubong lang ang hiningi pero bahay ang binigay ni Idol Raffy Tulfo


Isang ginang na nag ngangalang Amelia Bulawan na taga Asinan Proper Subic, Zambales ang humingi ng tulong kay Sir Raffy Tulfo para sa kanyang kapatid

BUKNOY GLAMURRR NAG TRENDING NA NAMAN DAHIL SA KANYANG VIDEO CONTENT
Mommy Dionisia gives House Tour in Jinkee Pacquiao’s Vlog
Isang Aso; Nainip na Maghintay sa Amo, Nag-commute Mag-isa!

Isang ginang na nag ngangalang Amelia Bulawan na taga Asinan Proper Subic, Zambales ang humingi ng tulong kay Sir Raffy Tulfo para sa kanyang kapatid na lalaki na may diperensya sa utak. Ang hinaing ni Amelia ay bubong para sa tinutuluyan ng kanyang kapatid. Nakatira ang kanyang kapatid sa isang kulungan ng manok dahil ayaw nito makatira sa mga kapatid dahil natratrauma sa maingay at madaming tao.

Video Credit via Youtube

Video Credit via Youtube

Kinausap ni Sir Raffy Tulfo si Amelia Bulawan kung ano ang maitutulong niya sa kanyang kapatid na si Miguel Bulawan 45 taong gulang. Sagot naman ni Amelia Bulawan na yero pang bubong para sa tinutuluyan ng kanyang kapatid. Ipinaliwanag ni Sir Raffy Tulfo na kung bubong lang ang ibibigay niya baka masira lang ito sa hangin kaya nag suggest si Sir Raffy Tulfo na pagawan na lang niya ng bahay ang kanyang kapatid na si Miguel.

Labis na tuwa at iyak ang naranasan ni Amelia Bulawan dahil sa sinabi ni Sir Raffy Tulfo. Hindi siya makapaniwala na magkakaroon ng bahay ang kanyang kapatid. Papadalhan ni Sir Raffy Tulfo ng staff at karpentero para mapagawa ng maayos ang bahay. Isang request din ni Sir Raffy Tulfo kay Amelia Bulawan na wag pabayaan ang kanyang kapatid sapagkat ito ay may diperensya sa pag iisip. Sagot na din ni Sir Raffy Tulfo ang pa check-up at gamot ng kanyang kapatid na si Miguel Bulawan.

Tinanong ni Sir Raffy kung ano ang kalagayan nila ngayon. Sagot ni Amelia Bulawan na nahihirapan sila ngayon lalo na sa pandemia na naranasan natin ngayon. Si Amelia ay isang on call house keeping samantala ang kanyang asawa naman ay isang construction worker pero naabotan ng lockdown sa subic. Umaasa na lamang sila Amelia sa ayuda na binibigay ng gobyerno at bigas galing sa kanilang munisipyo.

Bibigyan daw din ng mga grocery sina Amelia Bulawan at Miguel Bulawan para sa kanilang pang araw-araw na konsumo.

COMMENTS

WORDPRESS: 0