PUTING BRIEF ANG GINAMIT NG ISANG MAGSASAKA PARA MALAMAN ANG KONDISYON NG LUPA!

PUTING BRIEF ANG GINAMIT NG ISANG MAGSASAKA PARA MALAMAN ANG KONDISYON NG LUPA!


Isang magsasaka sa France ang gumamit ng brief para malaman kung mataba ba ang lupa na pagtataniman niya. Sa post ng Reuters sa Twitter pinakita

ISANG ARTIST NA NAGTRABAHO SA MARVEL PATULOY PARING GUMUGUHIT SA KABILA NG PARALYSIS!
Lalaking nagpanggap na may Novel Corona virus, binash ng mga neticenz!
MAGNANAKAW NAKATULOG SA KWARTO NG PINAGNAKAWAN NAHULI!

Isang magsasaka sa France ang gumamit ng brief para malaman kung mataba ba ang lupa na pagtataniman niya.

Sa post ng Reuters sa Twitter pinakita sa lawaran ang butas na butas at madumi na white brief kung saan ito pala ay ibinaon para malaman ang kondisyon ng lupa kung ito ba ay mataba pag tinaniman ng halaman.

Nagsimula ito kay Jerome Leduc isang magsasaka sa France. Sabi ni Jerome Leduc noong sumali sya sa grupo na Farming for the Preservation of Soil nung April meron daw mga nagpapadala sa kanya ng white brief at inutusan siya na ibaon daw ito ng sa lupa na may lalim na 20 centimeters para malaman ang condition ng lupa. Nagdadalawang isip pa si Jerome Leduc na gawin iyon baka daw isa lang yung April Fool’s Prank pero sinubukan pa din ni Jerome Leduc na ibaon sa lupa at huhukayin ulit sa loob ng dalawang buwan.

Pagkalipas ng dalawang buwan hinukay ulit ni Jerome Leduc ang White brief. Sobrang gutay-gutay na ito-sabi ng grupong Farming for the Preservation of Soil pag ito ay gutay-gutay ibig sabihin malusog at pwedi tamnan ang lupa dahil marami daw ito mga fungus, bulate at mga microorganisms na nagpapataba ng lupa pag mas gutay-gutay ang brief mas malusog ang lupa.

Photo Credit via Google

“Why underwear? Because on a pair of pants there’s an elastic waist, and a label, which will remain at the end because they won’t be eaten by organisms in the soil,” paliwanag ni Jerome Leduc.

Sang-ayon ba kayo sa ginawa ni Jerome Leduc para ma measure kung malusog ba ng lupa? E comment ang iyong sagot sa baba.

COMMENTS

WORDPRESS: 0