MISTER, HINIWALAYAN NI MISIS DAHIL DI DAW NAKASAING!?

MISTER, HINIWALAYAN NI MISIS DAHIL DI DAW NAKASAING!?


Sa programa na Raffy Tulfo in Action ni Sir Tulfo, isang mister ang nag reklamo dahil daw hiniwalayan siya ng kanyang misis dahil lang sa hindi siya

MGA PINAY CELEBRITIES NA NAKAPANGASAWA NG MILYONARYO
TRENDING SA SOCIAL MEDIA ANG ISANG VLOGGER NA MINALIIT ANG ISANG TRICYCLE DRIVER!
Huling Sulyap ng isang Ina sa Namayapang Anak Gamit ang Virtual Reality!

Sa programa na Raffy Tulfo in Action ni Sir Tulfo, isang mister ang nag reklamo dahil daw hiniwalayan siya ng kanyang misis dahil lang sa hindi siya nag saing ng bigas sa rice cooker.

Tawang-tawa si Sir Raffy nung madinig niya ang dahilan sa paghihiwalay ng mag-asawa. Akala din niya na baka prank lang ito. Si Serg Anthony Bermudo, isang criminologist ang nagreklamo dahil iniwan daw siya ng asawa niya na si Jing Bermudo na isang nurse. Sabi ni Anthony nag-jojogging siya tuwing hapon dahil mag-aapply siya sa BFP. Hindi niya alam na uuwi pala ng maaga si misis dahil nakisakay ito ng ambulance. Dumating si misis ng alas 6pm sa hapon at nadatyan niya wala pang saing dahil nag jogging pa si mister. Si Anthony at Jing ay ikinasal noong January 3, 2020 at nag hiwalay sila January 27, 2020. 24 lang araw lang sila nagsama bilang mag-asawa.

Sabi ni Raffy Tulfo ang babaw lang daw ng rason ng kanilang hiwalayan kaya tinawagan ni Raffy si misis para mapagusapan ang kanilang away. Sabe ni misis na hindi lang daw yun ang rason kung bakit niya hiniwalayan ang asawa. Sinasaktan daw siya nito kahit na buntis siya. Iresponsable daw si mister at hindi mature. Depensa naman ni mister na hindi niya sinasaktan si misis at gumawa lang ito ng kwento.

Gustong pagbatiin ni Sir Raffy ang dalawa dahil napakababaw lang talaga ang rason nila at bagong kasal pa. Nalaman ni Sir Raffy na dalawang buwan lang pala nagkakilala at nagpakasal na agad dahil buntis daw ito. Makikita sa video na parang may bumubulong sa misis at hindi ito ikinatuwa ni Sir Raffy. Gusto ni Raffy Tulfo mag desisyong mag-isa si misis pero ayaw na talaga magkabalikan kay mister. Nakita din ni Sir Raffy Tulfo na parang easy go lucky lang ang lalaki na di bagay dahil seryoso na sa buhay si misis.

COMMENTS

WORDPRESS: 0