2 Security Guards complained their abusive agency in Bohol on Wanted sa Radyo

2 Security Guards complained their abusive agency in Bohol on Wanted sa Radyo


Inireklamo ng dalawang security guard na sina Elmer Nambatac at Elmer Cruz ang kanilang pinagtatrabahuang agency. Dumulog ang dalawa sa programa ni I

MAHIGIT 300K NA SWELDO NG VLOGGER NA SI “BOY TAPANG” SA YOUTUBE NAWALA NA PARANG BULA
MAKAGAGO DISS BUKNOY GLAMURRR TUNGKOL SA TRICYCLE ISSUE.
PUTING BRIEF ANG GINAMIT NG ISANG MAGSASAKA PARA MALAMAN ANG KONDISYON NG LUPA!

Inireklamo ng dalawang security guard na sina Elmer Nambatac at Elmer Cruz ang kanilang pinagtatrabahuang agency. Dumulog ang dalawa sa programa ni Idol Raffy na “Wanted sa Radyo”kung saan isiniwalat nila ang mga pang-aabusong ginawa sa kanila ng kanilang agency. Inirereklamo nila ang Nico Investigation and Security Agency sa Bohol dahil sa mababang pasahod.

Ayon kay Idol Raffy ang mga security guard ang pinaka aping-api na manggagawa dahil palagi silang overworked at underpaid. Maraming pumupunta sa programa niya na mga security guard at nagsusumbong sa pagpapamalupit ng kanilang agency katulad ng  pagnanakaw at pagbabalasubas sa kanila, pinapagalitan at pinagbibintangan pa na nagnanakaw while on duty. Ang malupit pa nito ay kapag nangutang sila sa kanilang amo dahil kapos sa kanilang sweldo ay pinapatungan pa ito kagaya ng 5-6. Nang minsan daw ang isang security guard ay pumunta sa ospital para magpagamot ay nalaman na lamang nito na wala pala silang Philhealth at SSS kaya nangutang siya sa kaniyang amo, pinautang nga pero may tubo.

Ayon sa dalawang sekyu na nagrereklamo, 415 per 12 hours ang kanilang sinasahod taliwas sa 338 minimum wage ng Tagbilaran City at minsan sa isang buwan lamang sila nakakapagday-off. Nakakapag-off lamang sila kung may reliever pero kung wala eh wala silang day off sa isang buwan. Sa pagkwenta ni Idol Raffy, kapos ng 92 pesos per day ang kanilang sweldo. Nailahad din ng dalawa na nagbabayad sila ng dalawampung piso kada buwan para sa firearms maintenance. Sa isang phone patch interview sa secretary ng agency, sinabi nitong ikinabahala niya na pumunta pa ang dalawa sa programa ni Idol Raffy para magsumbong, napag-alaman na suspendido pala si Elmer Nambatac dahil sa accidental firing ngunit depensa ni Elmer dahil daw sira ang baril at inaayos niya lamang ito. Wala naman nasaktan sa insidenting iyon. Ang isa pang concern ni Idol Raffy ay wala sa kanila ang orihinal na kopya ng firearms license kahit mag-iisang taon na,

Nangako si Idol Raffy na tutulungan niya ang dalawa na makuha ang kanilang nararapat na sweldo up to the last centavo at meron pa daw bonus. Sinagot din ng programa ang pamasahe pabalik ng Bohol. Sa huli ay nagpasalamat si Idol na maayos na nagsumbong ang dalawa kaysa nagwala katulad ng nangyari sa Greenhills.

COMMENTS

WORDPRESS: 0