Raffy Tulfo, Napaiyak dahil sa Awa sa Mag-inang Kasambahay na Binugbog ng Amo!

Raffy Tulfo, Napaiyak dahil sa Awa sa Mag-inang Kasambahay na Binugbog ng Amo!


Dumulog sa tanggapan ni programang “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo ang mag-inang kasambahay na sina Nanay Angelina Rubia at Rhea Tubia isang 20 taon

DOBLE-KAYOD PARA MAIPAGAMOT ANG MGA MAGULANG AT BUBUHAYIN ANG PAMILYA ANG GINAWA NG ISANG BATANG BREAD WINNER
MAKAGAGO DISS BUKNOY GLAMURRR TUNGKOL SA TRICYCLE ISSUE.
Lalaki na Nagtitinda ng Lobo Napagtripan ng mga Feeling Siga!

Dumulog sa tanggapan ni programang “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo ang mag-inang kasambahay na sina Nanay Angelina Rubia at Rhea Tubia isang 20 taong gulang. Sumbong nila kay Idol Raffy, pinagmamalupitan umano sila ng kanilang amo na si Selma Trifona.

“Konting kamali-an lang eh galit na kaagad. Tapos kung hindi ka makasagot ng ano ng tanong niya ayon hinahampas ka kahit anong mahawakan niya eh ihahampas sa iyo. Kahit kutsilyo man lang eh i-ano sa leeg mo,” sabi ni Nanay Angelina.

Sa pananakit na ito ay mas napuruhan ang dalagang si Rhea, kung saan ay maraming nakitang mga pasa sa buong katawan. Isinalaysay din ni Rhea na pinutol ng kanyang amo ang kanyang isang tenga, kinuha o tinupi ang kanyang kuko sa paa, pinaghahampas ng arnis at tinutukan ng kutsilyo sa leeg at pati lahat ng mga dokumento ng dalaga ay sinunog. Umiiyak na nagsumbong si Rhea kay Idol Raffy at dito narin napaiyak si Idol sa awa sa sinapit ng mag-ina. Hindi niya lubos na maisip ang kapalastanganan na ginawa ng amo na si Trifona sa kanila. Ani pa niya ay isang tao lamang na may sira sa ulo ang gumagawa ng ganyan sa kapwa.

Nangako si Idol Raffy na tutulungan niya ang mag-ina at itataya niya ang kanyang pangalan para lamang  maipakulong ang walang pusong si Trifona. Bilang paghahanda sa pagsampa ng kaso ay pina medico-legal ng Team ni idol Raffy ang mag-ina. Sa pagkuha ng resulta ng kanilang X-ray ay mas lalong nagalit si Idol Raffy nang nalaman nila na bali-bali na pala ang ribs ni Rhea dahil sa pinag-aapakan pala ito ni Trifona ng minsan itong nagkamali. May nakita rin na sugat sa ari ng dalaga kung saan ay tinusok din pala ito ng kanilang malupit na amo.

Hindi talaga maipagkakaila na grabe ang kanilang sinapait kay Selma Trifona kung kaya’t napagdesisyonan niya na tumakas habang nagsisimba si Trifona. Nang malaman pala ng kanyang amo na lumayas itong si Rhea ay sinunog ang lahat ng damit nito.

Humingi ng tawad si Trifona sa mag-ina ngunit hindi nila ito pinatawad. Magsasampa parin sila ng kaso at suportado sila ni Idol Raffy. Sa ngayon ay naghihintay pa sila sa resulta ng CT scan para maisampa na ang kaso. Para naman may pagkakaabalahan ang mag-ina ay binigyan sila ng temporaryong trabaho sa Action Center at pag naipakulong na si Trifona ay papauwiin na sila ng Cebu at bibigyan sila ng negosyo.

Narito ang mga video.

COMMENTS

WORDPRESS: 0