Lalaki na Nagtitinda ng Lobo Napagtripan ng mga Feeling Siga!

Lalaki na Nagtitinda ng Lobo Napagtripan ng mga Feeling Siga!


Isang CCTV footage ang kumakalat ngayon sa social media na naglalaman ng kawalang hiyaan ng mga kabataang pasiga sa isang lalaki na nagbebenta

ALICE DIXSON, ILALAHAD NA ANG BUONG PANGYAYARI TUNGKOL SA SNAKE MAN NG ISANG MALL!
MAHAHALING SASAKYAN NI DANIEL PADILLA NABUNGGO NG TRICYCLE DRIVER, NETIZEN NAGULAT SA GINAWA NG AKTOR!
MADUMING CONDO NI TEKLA NILINIS NI DONITA NOSE

Isang CCTV footage ang kumakalat ngayon sa social media na naglalaman ng kawalang hiyaan ng mga kabataang pasiga sa isang lalaki na nagbebenta ng lobo. Umani ito ng negatibong komento sa mga netizens at dahil dito itinag nila sa Facebook page na “Raffy Tulfo in Action”. Gusto nila na mapanagot ang grupo sa ginawa nila sa kawawang matanda.

Sa umpisa ng video ay makikita ang grupo ng mga kabataang lalaki na nakatambay sa hagdanan ng isang gusali. Sa unang tingin akala mo ay nagkakatuwaan lamang sila ngunit pagkaraan ng isang sandal ay lumabas ang tunay nilang motibo.

Isang lalaki ang may iniabot sa kanyang kasamahan na mukhang yosi o pansindi. Sa isang saglit ay lumapit ang kasamahang lalaki at sinindihan niya ang mga panindang lobo sa gilid ng hagdanan, kung saan ang may-ari na isang lalaki ay nakaupo at tila nagpapahinga.

Matapos masindihan ay nagsitakbuhan ang mga kabataang lalaki. Sa ilang sandali pa ay nagliyab na ang mga lobo at makikitang natataranta ang lalaki sa pagpatay ng apoy na kumalat sa kanyang paninda. Makikita rin na parang nasaktan ang lalaki at naubos pa ang kanyang paninda. Sadyang kaawa-awang tingnan ang kanyang sinapit.

Inulan ng galit at pagkadismaya mula sa mga netizens ang grupo ng kabataan sa kanilang ginawa. May isang nagsabi na ginawa lang nila ito para masabi na astig sila at pati naghahanapbuhay ng tahimik at marangal ay idinadamay nila sa kanilang kalokohan. Marami sa comments ang nagagalit at nalulungkot, “Ganito nadaw ba ang mga kabataan ngayon?”.

Marami ang umaasa na sana mapansin ni idol Raffy Tulfo ang video at mabigyan hustisya ang ginawa sa kawawang lalaki. Hinihiling din ng mga netizens na maabutan ng tulong si tatay upang makapagsimulang muli at makabangon sa kalunos-lunos na ginawa sa kanya ng mga walang awang grupo.

Sabi ni Jose Rizal; “Kabataan ang pag-asa ng bayan” ngunit kung ganyan ang ugali ng kabataan,  may pag-asa pa kaya? Ano sa tingin mo?

COMMENTS

WORDPRESS: 0