2019 N-CoV Nalulunasan: Pinatunayan ng isang 4 years old

2019 N-CoV Nalulunasan: Pinatunayan ng isang 4 years old


Patunay ang apat na taong gulang na bata na  nalulunasan ang 2019 Novel Corona Virus.  Ayon sa balita, ang apat na taong gulang na batang C

ISANG ARTIST NA NAGTRABAHO SA MARVEL PATULOY PARING GUMUGUHIT SA KABILA NG PARALYSIS!
ISANG BATANG NAGTITINDA NG PAGKAIN, NABIKTIMA NG PAMBUBULLY!
MAHIGIT 300K NA SWELDO NG VLOGGER NA SI “BOY TAPANG” SA YOUTUBE NAWALA NA PARANG BULA

Patunay ang apat na taong gulang na bata na  nalulunasan ang 2019 Novel Corona Virus.  Ayon sa balita, ang apat na taong gulang na batang Chinese ay gumaling mula sa pagkakasakit ng Ncov. Kasalukuyang nasa Malaysia sila ng kanilang pamilya ng magkasakit siya sa nasabing virus.

            Iniulat na nahawa ang bata noong January 29 at binigyan ng lunas sa isang isolation ward sa isang ospital sa Kedah, Malaysia.  May sampung opisyal na kaso na ng N-Cov ang naitala sa Malaysia, siyam dito ay mga Chinese nationals.

            Ang apat na taong bata at ang kanyang pamilya ay makakauwi na sa China matapos sila bigyan ng health certificate ng hospital kung saan ito na confine. Isa rin ang bata sa pinakaunang nalunasan sa siyam pa ngang bumisitang Chinese sa Malaysia.

Sabi ni Health Ministry Director General Noor Hisham Abdullah ay pangalawang beses ginawa ang detection test at negatibo lahat ang resulta ng mga ito.  “Siya ay malusog, nasa magandang pangangatawan at puwede nang makauwi”, dagdag pa niya.

            Ang kaso ng apat na taong gulang na batang ito ay nagpapatunay na nagagamot ang N-Cov at ang pasyente ay nalulunasan at gumagaling katulad ng mga kaso sa China at ang persepyon na ang sakit na ito ay nakamamatay sa mga taong nahahawaan nito ay hindi tama ,” isa pang dagdag ni Noor Hisham.

            Isang napakagandang balita ngunit pinapapaalahanan parin ang lahat na umiwas muna sa mga matataong lugar, magsuot ng mask kung kinakailangan, palakasin ang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain ng gulay at prutas, at ugaliin na maghuhas ng kamay gamit ang sabon at alcohol upang maiwasan ang paglaganap at pagkahawa sa N-Cov.             Dinidiscouraged din ang publiko na iwasan ang panghuhusga at paninisi sa mga Chinese nationals dahil hindi ito nakakatulong para masugpo ang naturang virus

COMMENTS

WORDPRESS: 0