Nagsimba lang, Na Meet na Agad si Mr. Right!

Nagsimba lang, Na Meet na Agad si Mr. Right!


Mapapa-sana all ka nalang sa nakakakilig at very inspiring na love story ng broadway singer na si Rachelle Ann Go. Kung ang iba sa atin ay anu-ano na

ISANG LOLO SA ILOCOS NORTE PINATAYUAN NG BAHAY NG ISANG GRUPO NG MOTORCYCLE RIDERS.
Trending! DJ Loonyo, Binatikos dahil sa mass testing interview
TEKLA NAPAIYAK DAHIL SA SINABE NG DATI NIYANG BOSS NA SI WILLIE REVILLAME

Mapapa-sana all ka nalang sa nakakakilig at very inspiring na love story ng broadway singer na si Rachelle Ann Go. Kung ang iba sa atin ay anu-ano nalang ang pinaggagagawa para lang makita ang kanilang Mr. Right puwes ibahin natin si Mareng Rachelle dahil nagsimba lang, na meet na niya agad si Mr. Right!

            Way back January 2017 nang unang makita ni Rachelle ang kanyang Mr. Right na si Martin. Unang kita palang daw niya ay nasabi na niya sa sarili niya na si Martin na ang kanyang “The One”. Nangyari ito nang pumunta siya sa isang simbahan sa New York City. Mag-isa lamang siyang pumunta don at habang nagdadasal ay naramdaman niya ang presensiya ng isang mataas na lalaki . Pagkatingin niya ay agad niyang nasabi sa kanyang sarili na “Pogi. Ito na ang lalaking pakakasalan ko!”

Sa kabila ng pagkakasabi Rachelle sa mga katagang iyon ay napagtanto niyang nasa simbahan siya at pinigilan ang kanyang sarili. Pinaalalahanan niya ang kanyang sarili na pumunta siya simbahan para sa Panginoon, kaya kailangan niya mag focus. Sa New York naranasan ni Rachelle ang malalim na spiritual growth. Pag dating kasi niya sa naturang siyudad ay walang-wala siyang matakbuhan at umabot pa sa punto na hindi siya nakakatulog at nakakakain. “I was so lost out there” sabi niya. 

            Dumalo si Rachelle sa isang church service at doon niya ulit nakita ang lalaking papakasalan niya, wala siyang ginawa, “everything fell into place” ika niya. Ang Panginoon ang nag-ayos ng aming pag-iibigan.


            Ikinasal si Rachelle at si Martin Spies noong 2018 sa Boracay. Sa kasalukuyan ay pareho silang nagsisilbi sa simbahan. Si Martin ay kabilang sa prayer team at si Rachelle naman ay sa worship team.

            Ang love story ni Rachelle ay nagpapatunay na kahit wala kang gawin kung ang Diyos na talaga ang kumilos ay napaka-perfect talaga. Kaya sabihan mo na sa friend mong marupok na hinay-hinay na! Magsimba nalang siya at baka mameet na din niya ang kanyang “The One”.

COMMENTS

WORDPRESS: 0