Marcelito Pomoy, pasok na sa finals ng America’s Got Talent!

Marcelito Pomoy, pasok na sa finals ng America’s Got Talent!


Naging viral sa internet world ang pagsali ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent na umani ng standing ovation sa mga hurado. Kasami ni Marcelito

XANDER FORD IPINATULFO DAHIL SA GINAWA NIYANG ATTEMPTED RAPE SA KANYANG EX-GIRLFRIEND!
THE LEADING MAN OF THE NEW DARNA FINALLY REVEALED!
A 17-year-old Mom was hit by a truck, looks for her baby before dying

Naging viral sa internet world ang pagsali ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent na umani ng standing ovation sa mga hurado. Kasami ni Marcelito ang kanyang asawa at handler na si Joan sa pagbisita niya sa AGT: The Champions.

            Sa panayam kay Marcelito sa talk show na Magandang Buhay noong Martes, January 28 sinabi niyang pangalawang pagkakataon na ito na inimbitahan siya ng naturang sikat na international kompetisyon para sumali. Ang unang imbitasyon ay para sa regular na kompetisyon ngunit inayawan niya ito.

“Ang pinanghawakan ko kasi ay yung panalo ko dito sa Pilipinas, tapos kung sasali ako sa (regular competition) nila, at kapag natalo ako, parang masakit sa akin,” paliwanag ni Marcelito. 

Ang ikalawang imbitasyon ay natanggap niya mula sa America’s Got Talent: Champions Edition. Ayon sa mag-asawa dalawang araw lamang ang kanilang naging preparasyon para sa kaniyang performance. Pasok sa semi-finals si Marcelito kung saan umani ito ng hugyaw sa mga manonood at standing ovation mula sa mga hurado. Muntikan na ngang ibigay ng mga hurado ang Golden buzzer. Halos mangiyak-ngiyak si Marcelito at ang kanyang asawa ng makita ang mga emosyon at palakpak ng mga manonood.

Sa kanyang semi-finals performance kung saan inawit ni Marcelito ang classic na kanta ni Andrea Bocelli na “Time to Say Goodbye” ay napahanga niyang muli ang mga hurado. Ito ang kanilang mga komento;

“Absolutely brilliant song choice. It enabled you to shine,” sabi ni Alesha Dixon.

“For me you are my favorite. It just blows my mind,” tugon naman ni Heidi Klum sa performance ni Marcelito.

“I believe that you have the best shot of winning this whole thing,” isa pang sabi ni Howie Mandel.

Dagdag din ng isang  hurado na may malaki talagang chance si Marcelito na manalo sa America’s Got Talent.

Ngunit may paalala ang bantog na si Simon Cowell sa kanya, kailangan umano ni Marcelito mag take ng bigger risk para sa finals.

Narito ang kanyang orihinal na sinabi,

“There is no denying that you have a very unique, incredible and special talent. If you make it to the finals I think you get to take a bigger risk. But I do believe that with the gift that you have, you have a massive career in front of you, I really, really do,”

COMMENTS

WORDPRESS: 0