Isang Aso; Nainip na Maghintay sa Amo, Nag-commute Mag-isa!

Isang Aso; Nainip na Maghintay sa Amo, Nag-commute Mag-isa!


Itinuring ng karamihan ang mga aso na man’s best friend kung kaya’t hindi nakakaila na mahilig tayong isama sila saan man tayo pumunta maging sa trab

Mommy Dionisia gives House Tour in Jinkee Pacquiao’s Vlog
KIM CHIU VIRAL SONG NA “BAWAL KANG LUMABAS” SA WISHCLUSIVE, UMANI NG LIBO-LIBONG DISLIKE!
Trending! DJ Loonyo, Binatikos dahil sa mass testing interview

Itinuring ng karamihan ang mga aso na man’s best friend kung kaya’t hindi nakakaila na mahilig tayong isama sila saan man tayo pumunta maging sa trabaho o lakwatsa man ito. Tinuturuan din natin sila ng mga iba’t-ibang tricks katulad ng sit, lay down, play dead atbp. Na nakatutulong naman upang maging disiplinado sa maraming tao o di naman sila’y kinagigiliwan dahil dito.

Image result for this doggo from usa knows how to commute on her own
Si Eclipse, isang asong Labrador na nag-cocomute mag-isa

Naging usap-usapan sa social media ang isang alagang aso sa Seattle, Amerika na nag-commute mag-isa dahil nainip ito sa kakahintay sa kanyang amo na naninigarilyo pa.Opo, tama! Nainip ang aso na ang pangalan ay si Eclipse, isang asong Labrador nang ang kanyang amo ay nagyoyosi pa.

Ayon sa panayam sa kanyang hooman o dog owner na si Jeffrey Young, gusto niyang manigarilyo muna bago sila sumakay ng bus pauwi sa kanila pero nainip si Eclipse at naisipang mauna nalang umuwi mag-isa. Simula noon ay pinapayagan na siya ng kanyang amo na mamasyal na hindi siya kasama, kumbaga solo flight na ito. Kung saan-saang park narin itong matagumpay na nakararating. Madog park o themed park man, kayang-kaya yan ni Eclipse! Siyempre, kung kaya niyang gumala ay kaya din niyang umuwi ng mag-isa. Nakasabit sa kanyang harness ang kanyang payment card kung kaya’t malayang nakakalabas-pasok si Eclipse sa mga bus at nakapapasyal saan man nito ibigin. Kilala narin siya ng mga bus drivers at mga regular na pasahero ng mga busy kaya’t hindi na sila natatakot at pinasasakay na lamang ito ng diretso.

Nakakahanga ang pagiging katangi-tangi at kawili-wili ang  indepence ni Eclipse. Dahil dito ay kilalang-kilala na siya sa kanilang lugar at ng mga tao roon lalong-lalo na ng mga public commuters, at sa kasikatan na din na natatamasa ni Eclipse ngayon ay nagkaroon na din siya ng isang fans club na tinawag na Ecliptomaniacs! 

Image result for this doggo from usa knows how to commute on her own
Si Eclipse na sumasakay sa bus.

COMMENTS

WORDPRESS: 0